Mortality sa dengue cases sa Zambales umabot na sa lima

Nakapagtala na ng limang nasawi dahil sa dengue ang lalawigan ng Zambales.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, tig-iisa ang naitala mula sa Subic, Masinloc at Botolan habang dalawa naman sa Sta. Cruz.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Paliwanag ni Bueno, madali namang magamot ang dengue kung maagang dinadala sa doktor ang pasyente dahil kapag natagalan umano ay nagkakaroon na ng kumplikasyon.

Sa kabuuan naman, mula January 1 hanggang July 2 ay mayroon na umanong 1,125 dengue cases ang naitala sa lalawigan, mas mataas ng 28.5% ang growth rate kumpara nakaraang taon na 804 lamang sa kapareho ring mga buwan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol