POPCOM: 1,272 barangay sa PH, pinakatinamaan ng COVID-19

Inihayag ng Commission on Population and Development na nasa 1,272 barangay ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa POPCOM, ang naturang mga barangays ay nagtala ng average na 137 infections sa nakalipas na walong buwan mula September 2020 hanggang April 15, 2021.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag ng ahensya, 63.4% sa mga barangay sa buong bansa ay nagtala ng COVID-19 infections, kung saan 11.5% ang nagtala ng fatalities sa kaparehong period.

Kaugnay nito, ang 15,252 kumunidad naman ay nananatiling COVID-19-free.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Samantala, hinimok naman ni undersecretary for Population and Development Juan Antonio Perez III ang Department of Health at local government units na gamitin ang kanilang latest Demographic Vulnerability Tool (DVT) bilang basehan para sa vaccination rollouts sa bansa, batay sa geographic priorities. // MHEL PACIA