Ilang ahensya, di pa inilalabas ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 – Angara

Inihayag ni Senator Sonny Angara na may ilang ahensya ng gobyerno ang hindi pa naglalabas ng alokasyong pondo sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One (Bayanihan 2) Act, na inaasahang magpapaso sa June 30 nitong taon.

Ayon sa chairman ng Senate Finance Committee, kabilang sa mga ahensyang ito ay ang Department of Transportation, Department of Agriculture, at Department of Health.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Una nito, nanawagan si Angara sa Department of Education na ilabas na ang internet allowances para sa mga guro, bago magtapos ang validity ng Bayanihan 2.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dagdag nito, may mahigit P1 billion naman na inilaan para sa small enterprise loans ang hindi pa rin nadidisburse.

Pag-gigiit ng mambabatas, walang rason para sa delays sa disbursement ng pondo dahil may sapat na oras ang mga departamento, lalo na’t matapos palawigin ang batas. // MHEL PACIA