Mga response clusters sa Bicol, naka activate na dahil sa bagyong Agaton

BNFM BICOL—Naka activate na ang lahat ng mga response clusters sa buong Bicol region matapos na itaas ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) ang Red Alert Status kaugnay ng posibleng epekto ng bagyong Agaton sa rehiyon.

Ayon kay Office of the Civil Defense Bicol Regional Director at RDRRMC Chairman –  Claudio Yucot, nagbigay na ng direktiba ang kanilang tanggapan sa lahat ng mga LGUs at mga government agencies para paghandaan ang mga posibleng emerhensya na maganap ngayong may banta ng sama ng panahon.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Naka full alert na rin aniya ang mga ito sakaling kailangan na ipatupad ang evacuation o pagpapalikas sa mga residenteng nakatira sa mga delikadong lugar, partikular ang mga flashflood at landslide prone areas.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Batay sa monitoring ng PAGASA, patuloy na makakaranas ng masungit na panahon ang Bicol Region ngayong araw dahil sa bagyong Agaton, kung saan inaasahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga probinsya ng Masbate at Sorsogon maging sa mga karatig na lalawigan.###