Jennifer Lopez, engaged muli kay Ben Affleck

Inanunsyo ng singer at aktres na si Jennifer Lopez na engage na ulit siya kay Ben Affleck, 18 taon matapos ang paghihiwalay ng kanilang relasyon.

Kaugnay nito, nagpost ang 52-anyos na singer ng video ng kanyang sarili na tila emosyunal at namamangha sa kanyang berdeng singsing.

Sa ulat ng United States media, ang naturang singsing ay emerald-cut pale green diamond.

Matatandaan na unang nagkita ang dalawa sa set ng widely panned movie “Gigli” noong 2002.

Noong 2003 nang ipagpaliban nila ang planong pagpapakasal, pero matapos ang isang taon o noong 2004 ay inanunsyo nilang tapos na ang kanilang relasyon.