PH, magpapadala ng ‘fighting team’ sa SEA Games – POC chief

Nananatiling kampante ang Philippine Olympic Committee (POC) na ibibigay ng mga Pilipino atleta ang lahat para sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

Ayon kasi sa POC, mayorya sa 656-strong Team Philippines ay nakakuha ng medalya noong 2019 nang manguna ang Pilipinas sa 149-117-121 gold-silver-bronze haul.

Si POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ay nasa Cambodia na kung saan magpupulong ang SEA Games council sa ikalawang pagkakataon ngayong taon para talakayin ang parehong Hanoi SEA Games at ang 2023 edition ng event sa Cambodia.

Nabatid na ang Vietnam ang may maraming bilang ng mga atleta sa 965.

Ayon sa Hanoi media, target nilang manalo ng 140 golds, 77 silvers, at 71 bronze medals.