Naghahanda na ang Britain para magpadala ng mas maraming portable missile systems na makakatulong sa Ukrainian forces sa pagpapasabog ng Russian tanks at aircraft.
Ipinunto ni Defense Secretary Ben Wallace na umabot na sa 3,615 Next Generation Light Anti-tank Weapons (NLAWs) ang naipapadala ng UK sa Ukraine, at posibleng dumami pa ito sa hinaharap.
Dagdag niya, sisimulan na nila ang delivery ng small consignment ng anti-tank Javelin missiles.
Inihayag rin ni Wallace na bilang tugon sa Ukranian requests, ay nagdesisyon ang gobyerno na i-explore ang donasyon ng Starstreak high-velocity man-portable anti-air missiles.
Tulad ng NLAWs, ang British Starstreak missiles ay isang mobile system na dinisenyo para mapakawalan ng mga tropa sa field, sa pag-target ng helicopters at mga eroplano.
Sa kabila nito ay nilinaw ng UK na hindi nito pinalalala ang krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia at pawang defensive systems lamang ang kanilang sinusuplay.
