Oplan Baklas ng Comelec, tuloy sa mga pampublikong lugar

Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na itigil ang Oplan Baklas sa kabila ng inisyu na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema.

Ayon sa Comelec, tuloy ang pagbabaklas nito ng mga campaign posters na oversized o nakapaskil sa mga restricted areas sa mga pampublikong lugar.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na pababayaan muna nila ang mga campaign posters sa private properties alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.

Iginiit ni Jimenez na pasok pa rin sa otoridad ng Comelec ang pagbabaklas ng election paraphernalias sa public spaces.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Matatandaan na naghain ang kataas-taasang hukuman ng TRO noong Martes kasunod ng petisyon ng supporters ni Vice President Leni Robredo na nagpapatigil sa Comelec sa pagtanggal ng oversized campaign posters sa private properties, na ayon sa kanila ay paglabag sa kanilang karapatan sa free expression, at iba pa.