4th round ng national vaccination drive, sinimulan na

Sinimulan na ng Pilipinas ang panibagong round ng national COVID-19 vaccination days, na nagpapahintulot sa house-to-house inoculation at pagpapaturok sa mga klinika ang mga doktor at sa health facilities ng workplaces.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layon ng kampanya na ma-administer ang second doses para sa mga senior citizens, first doses para sa mga edad 12-17, at booster shots para sa adults.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Target ng gobyerno na matapos ang inokulasyon ng 1.8 million na indibidwal sa loob ng tatlong araw na vaccination drive at 90 million na Pilipino sa June.

Ipinunto ng kalihim na nasa 71 percent na ng 90 million na Pilipino ang vaccination coverage ng bansa.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantala, inihayag naman ni Philippine Medical Association president Benito Atienza na rehistrado sa Department of Health at sa mga lokal na pamahalaan ang mga klinika ng mga doktor na eligible na mag-administer ng COVID-19 vaccines sa Metro Manila, Central Luzon, at southern Luzon.