US: Pag-withdraw ng Russian troop mula sa Ukraine, walang katotohanan

Hindi naniniwala ang United States sa pahayag ng Russia na inalis na nila ang kanilang mga tropa mula sa borders ng Ukraine.

Sa gitna nito, naghihinala ang Amerika na tinaasan pa ng Moscow ang presensya ng 7,000 na mga tropa.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Sinabi naman ng senior administration official, na hayagang sinasabi ng Russia na bukas sila sa diplomasya at iginigiit ang de-escalation, pero sekretong naghahanda umano para sa giyera.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Matatandaan na noong Martes, sinabi ni U.S. President Joe Biden na sa pagtaya ng United States nasa 150,000 Russian troops ang pumasok sa Ukraine, na mataas mula sa naunang pagtaya na halos 100,000. //MHEL PACIA-TRINIDAD