Umalis na ng Pilipinas si James Reid, bagama’t hindi malinaw kung saang bansa ang pupuntahan nito.
Hula ng mga fans, pupunta ng Los Angeles si Reid, kung saan nakabase ang kanyang label na Transparent Arts, para doon ipagpatuloy ang kanyang music career.
Samantala, bagama’t naging tahimik ang actor-musician sa kanyang social media hinggil sa kanyang pag-alis, ay ipinakita nito sa mga fans ang cake na kanyang natanggap na may pagbati na “Bon Voyage and Good Luck Jams Red”

Mababatid na noong October 2020 nang wenelcome ng kompaniya si Reid, na humahawak sa mga artists kabilang ang Far East Movement, Tiffany Young at Dumbfounded. //MHEL PACIA-TRINIDAD