Panuntunan sa pagtanggap ng mga foreign tourists, posibleng aprubahan ngayong linggo

Posibleng aprubahan ng national government ngayong linggo ang mga panuntunan para sa pagpapahintulot na makapasok sa Pilipinas ang mga foreign tourists mula sa “green” countries.

Una nang kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na aprubado na “in principle” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang pagpasok ng mga fully vaccinated tourists mula sa Green List countries/territories/jurisdictions.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Kabilang sa mga bansa na isinama ng Pilipinas sa kanilang “green” list ay ang Japan, China, Saudi Arabia, United Arab Emirates, India, at iba pa.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Binigyang diin naman ni Romulo-Puyat na ang kontribusyon ng turismo sa gross domestic product ay bumaba sa 5.4% dahil sa pandemya na nagresulta sa pagkawala ng trabaho sa halos 1.1 million tourism workers. //MHEL PACIA-TRINIDAD