Binata binaril ng pulis sa bayan ng Bacolor, patay

Patay ang 19 anyos na binata sa bayan ng Bacolor matapos mabaril ng pulis nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Abelardo Vasquez, residente ng Tramo, bgy San Vicente sa bayang nabanggit.

Habang ang suspek na pulis ay kinilalang si Police Corporal Alvin Pastorin, 33 anyos residente ng Bgy. Pogombua Aguilar, Pangasinan at naka assign sa Bacolor Municipal Police Station.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa spot report ng pulisya, nag ugat ang insidente matapos umanong sitahin ng pulis ang biktima at ang apat pa nitong kasama dahil walang suot na facemask, hanggang nauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Nakasaad pa sa report ng PNP na pinagbabato at kinuyog umano ng grupo ng biktima ang pulis kaya nagpaputok ito ng baril na ikinasawi ng biktima.

Pero depensa ng pamilya ni Vasquez, walang kinalaman ang binata sa naturang komosyon, dahil ibang tao ang sinita ng pulis.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nasa labas lang umano ang biktima at naglalaro sa kanyang cellphone nang barilin ito ng malapitan ng suspek na pulis.

Tama sa leeg at dibdib ang ikinasawi ng biktima.

Desidido naman ang pamilya nito na magsampa ng kaso at papanagutin ang suspek, nanindigan rin silang hindi papa-areglo sa suspek.