Supply deliveries sa Ayungin Shoal, hindi na haharangin ng China – DND

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na haharangin ng China ang mga supply deliveries ng Pilipinas sa mga sundalo nito sa Ayungin Shoal.

Inihayag ito ng kalihim ilang araw matapos mapaulat na binugahan ng Chinese vessels ng water canon ang mga supply boats ng Pilipinas sa lugar.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ipinunto ni Lorenzana na noong Martes pa ng gabi sila nag-uusap ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian habang nagaganap ang insidente sa Ayungin Shoal.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Ayon kay Lorenzana, balak ng Navy na mag-resupply ngayong linggo.

Dito anya makikita kung tutupad ang China sa kanilang pangako.