Mambabatas, pinatitiyak sa DOE ang maayos na turnover ng operasyon sa Malampaya

Pinatitiyak ng ilang mambabatas sa Department of Energy (DOE) ang maayos na paglipat ng mga responsibilidad sa Malampaya upang hindi maantala ang operasyon nito.

Inihayag ito ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel sa gitna ng mga panawagan para sa inquiry kaugnay sa $460-million operator switch mula Shell Petroleum B.V. papuntang Udenna Corporation ng Davao-based businessman na si Dennis Uy.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinabi ni Pimentel na umaasa ang taong bayan sa smooth handover na may zero dsruption sa vital gas operations ng Malampaya.

Iginiit ng mambabatas na 20-percent ng electricity demand ng Pilipinas ay nanggagaling sa Malampaya.

Ipinunto rin ng mambabatas na kailangan ng DOE na tiyakin na magkakaroon ang gobyerno ng 60-percent share mula sa net revenues.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Mababatid na tuluyan nang maililipat sa Udenna ang buong responsibilidad sa oeperasyon ng Malampaya sa January 1, 2022, matapos magdesisyon ng Shell na ibenta ang 100 percent stake nito sa Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX) sa halagang $460-million.