Halos 3-million doses ng COVID-19 doses dumating sa bansa

Aabot sa mahigit 2.1 million doses ng Moderna COVID-19 vaccines at 661,100 doses naman na Aztrazeneca ang magkasabay na dumating sa bansa ngayong umaga.

Dumating ang mga bakuna banda alas 9:20 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Ayon sa National Task Force against COVID-19 ang Aztrazenca ay bahagi ng binili ng private sector.

Habang 1.3 million doses naman ng Moderna ay binili ng gobyerno at mahigit 700,000 naman dito ay kasama sa purchase ng pribadong sektor.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Una nang inihayag ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na posibleng maabot ng Pilipinas ang 100 million doses ng bakuna kontra COVID-19 sa katapusan ng Oktubre.