Filing ng COC walang extension – COMELEC

Binigyan-diin ngayon ng Commission on Elections na wala nang extension ang filing ng certificate of candidacy na magtatapos ngayong araw.

Sa isang twitter post ipinaalala ni Comelec Spokesman Atty. James Jimenez sa mga gustong tumakbo sa 2022 election na ngayon ang huling araw ng paghahain ng kandidatura.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Wala na umanong balak ang ahensiya na palawigin pa ang filing ng COC.

Una nang sinabi ng COMELEC na tuluyang magsasara ang ang kanilang tanggapan sa mga maghahain ng COC mamayang alas-singko ng hapon.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Pagkatapos ng filing ng COC sunod naman na aktibidad ng COMLEC ay ang pagpapatuloy ng voter’s registration matapos ang mapalawig mula October 11 hangang October 30.