Patuloy ang pagdagsa ng mga kandidato sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City upang humabol sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy para sa national post.
Kabilang sa mga nagfile ng COC ngayong araw ay si Sen. Kiko Pangilinan na tatakbo bilang bise-presidente at running-mate ni Vice-President Leni Robredo.
Ilang mga dating mambabatas naman ang muling susubok na makakuha ng upuan sa senado katulad nina Senators Sherwin Gatchalian, Leila Delima at Antonio Trillanes IV.
Naghain din ng COC pagka senador ang news personality na si Noli de Castro at former DA Sec. Manny Piñol.
Sa ngayon nasa mahigit 60 na ang nagfile ng kandidatura sa pagka-pangulo habang nasa 19 naman ang sa pagka-vice president.