Higit 700K – bumisita sa Manila North Cemetery

Pumalo na sa higit 700,000 ang bumisita sa loob ng Manila North Cemetery.

Batay ‘yan sa tala ng Advance Command Post ng Manila Police District, hanggang alas-dose ngayong tanghali

Samantala, isa naman miyembro ng LGBT ang umano’y nabugbog matapos makipag-inuman sa loob ng sementeryo.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Ayon kay MPD Director BGen. Arnold Thomas Ibay, iniimbestigahan na nila ang insidenteng ito.

Nangyari ito alas -2 kaninang madaling araw.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Iniimbestigahan na rin kung paano nakapasok sa loob ang alak.

Baka ito’y residente rin sa loob ng sementeryo.

Pagtitiyak ni Ibay, mahigpit ang seguridad sa labas at loob ng sementeryo at walang nakakalusot na ipinagbabawal na bagay.