Ilang bisita sa Manila South Cemetery nilapatan ng medikal na atensyon

Dahil maganda ang panahon, sinamantala ito ng ating mga kababayan na nais bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Manila South Cemetery.

Alas siete kaninang umaga nang magsimulang dumagsa ang mga tao at hanggang sa mga oras na ito, ay walang patid ang pagdating ng mga bibisita.

Sinamantala rin ng mga bisita lalo na ang mga senior citizen ang libreng sakay at wheelchair para hindi na sila mahirapan na puntahan ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Samantala, ilang bisita rin ang kinailangang lapatan ng medikal na atensyon.

Isa na rito ang 29-anyos na lalaki mula sa San Andres Bukid sa Maynila matapos siyang magseizure dahil sa sakit niyang epilepsy.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nilapatan rin ng medikal na atensyon ang senior citizen mula Caloocan matapos mahilo dahil kahapon pang hindi kumakain.

Karamihan naman sa mga nagtutungo sa medic ay mga senior citizen na nagpapasuri ng kanilang blood pressure.

Inaasahan na aabot sa kalahating milyong indibidwal ang bibisita ngayong araw dito sa Manila South Cemetery at mamayang ala-una ng hapon ang dagsa ng mga bibisita.