Ngayong araw mismo ng undas sumiklab ang sunog sa Bagbag Cemetery sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas nuebe nang magsimula ang sunog.
Tumagal ang sunog ng mahigit isang oras bago tuluyang naapula pasado alas diyes kaninang umaga.
Hindi na muna nagpapapasok ang pamunuan ng mga bibisita sa loob ng sementeryo.
Tinatayang aabot sa hanggang 30 pamilya ang apektad ng sunog.
Wala namang naitalang nasaktan o namatay ang mga otoridad.
Patuloy pang inaalam ng BFP ang pinagmulan ng apoy.