DOJ at DFA – sisilipin na rin ang alegasyong isang Chinese spy si Alice Guo

Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga alegasyong isang Chinese spy si dismissed Bamban mayor Alice Guo.

Sabi ni DFA spokesperson Teresita Daza – mahigpit nilang mino-monitor ang naturang alegasyon laban sa dating alkalde.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Aniya, mananatili raw sa mandato nila ang pagprotekta sa ating national security.

Sinabi naman ni Justice Usec. Nicky Ty na nakikipag-coordinate na sila sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Agency (NSA) para i-verify ang report.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Una nang pumalag si Guo sa naturang alegasyon.

Sinabi rin niyang idedemanda niya sina She Zhijiang at ang network na nagpalabas ng documentary na Al Jazeera.