Pinaigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief efforts para sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Julian na umabot na sa ₱9M halaga na ang humanitarian assistance sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa DSWD Field Office 1-Ilocos Region, nasa 1,000 family food packs (FFPs) ang naipahatid sa Dingras, Ilocos Norte.
Nagbigay din ang DSWD FO 2-Cagayan Valley ng food at non-food items sa mga apektadong bayan.
Sa kabuuan, 64,289 FFPs ang naipadala sa Abra, Baguio City, Benguet, Ifugao, at Mountain Province.
Sa ngayon, 372 pamilya o 1,099 indibidwal ang nasa 54 evacuation centers.
Tiniyak naman ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, na may sapat na pondo at resources ang ahensya, na may ₱2.83B na standby funds.