CPNP Marbil, umapela kay Villanueva na magsalita na

Pangalanan na dapat ni PAGCOR official Raul Villanueva ang dating PNP Chief na kanyang tinutukoy na umano’y tumanggap ng POGO payola at pagpapatakas kay Alice Guo palabas ng Pilipinas.

Giit ni Gen. Marbil, under oath siya sa Senado nang humarap sa pagdinig sa Senado kaugnay ng illegal POGO operations sa bansa.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Inamin ni Marbil na naka apekto sa kanilang organisasyon ang pagbubunyag na ito, kaya iniutos niya na ang imbestigasyon sa 24 na dating PNP Chief.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Nauna nang sinabi ng opisyal na walang “sacred cow” sa gagawing imbestigasyon.

Sa huli, idiin ni Marbil na hindi niya kukunsintihin ang anumang maling gawain sa PNP.