Aabot sa mahigit dalawang milyong at dalawandaang libong pisong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police sa ikinasa nilang buy-bust operation sa Brgy. New Lower Bicutan sa Taguig.
Arestado sa operasyon ang 56-anyos na si Alyas Roger na isang Barangay Security Force.
Nakumpiska sa kanya ang nasa 330 gramo ng hinihinalang shabu.
Itinurn over na sa SPD Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya habang sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.