Job fair sa mga apektado ng POGO ban – kasado na

Kasado na sa susunod na buwan ang job fair para sa mga displaced workers ng mga internet gaming licensees (IGLs) o yung POGO.

Sa ‘Kapihan sa Bagong Pilipinas’ forum, kinumpirma ni DOLE-National Capital Region Assistant Director Jude Thomas Trayvilla na gaganapin nang job fair sa Parañaque City sa darating na October 10.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Iniulat din nito na higit 19,000 na mga workers ang mawawalan ng trabaho mula sa naturang mga kumpanya.

Ayon kay Trayvilla, as of September 16, 48 IGLs na ang nakapagbigay ng listahan ng Filipino employees na maaapektuhan ng kanilang pagsasara.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ilan umano sa mga ito ay nagtatrabaho sa administration, encoding, human resources, liaison, finance, at information technology.

Pagtitiyak ng DOLE-NCR official, patuloy ang kanilang pagpa-follow up sa mga natitirang establishment upang makuha ang kanilang listahan sa lalong madaling panahon.