Umano’y ‘kayabangan’ ng DHSUD, pinalagan

Sisikapin ng Department of Human Settlements and Urban Development na mahabol ang konstruksyon at pagkumpleto ng mahigit tatlong milyong pabahay sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa plenary debates sa Kamara para sa panukalang budget ng DHSUD sa 2025, nabatid na hindi na kakayaning matugunan ang anim na milyong housing backlogs sa bansa.

Ipinaliwanag ng ahensya sa pamamagitan ng budget sponsor na si Navotas City Representative Toby Tiangco na hindi nagtagumpay ang unang business model dahil hindi nakatugon ang developer.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ikinadismaya ito ni House Deputy Minority Leader France Castro at pinuna ang aniya’y kayabangan ni DHSUD Secretary Jerry Acuzar noong 2022 gayong hindi naman pala kayang makamit ang target.

Sa pagtatapos ng taong 2024 ay mahigit labindalawang libong housing units ang itatayo ng DHSUD habang sa kabuuan ay nasa 198,000 na ang natapos.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Maisasakatuparan umano ito sa tulong ng sovereign guarantee kung saan kapag naaprubahan na ng Department of Finance ay saka sisimulan ng National Housing Authority ang bidding para sa contractor.

Hindi kasi kakayanin kung kukunin lamang ang pondo sa General Appropriations Act.

Samantala, apat na trilyong piso ang inaasahang ilalabas sa ilalim ng sovereign guarantee ngunit hahatiin ito sa tranches.