Kasado na ang pagbaba ng singil ng Maynilad sa mga mga consumer ngayong darating na oktubre.
Ito ay kasunod ng inilunsad na Foreign Currency Deposit Adjustments (FCDA) o tariff adjustment sa mga kumpanya ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.
Kuagnay nito, ang Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ay magkakaroon ng 2.03% taas taripa sa Manila Water o katumbas ng 86 sentimos per cubic meter.
Maliban dito, sinabi ng MWSS na magreresulta ito sa mas mataas na singil para sa mga customer ng Manila Water.
Mababatid na ang Foreign Currency Deposit Adjustments (FCDA) ay ang quarterly review ng MWSS para mabigyang daan ang water concessionaires na makapagadjust ng singil batay sa galaw ng foreign exchange rates.