SILG Abalos, ‘epal to the highest level’ – Topacio

Tinawag na “Epal” ni Atty. Ferdinand Topacio si Interior Secretary Benhur Abalos Jr.

Ito ay matapos ianunsyo ni Secretary Abalos sa isang facebook post na nahuli na si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Sa isang pahayag, sinabi ni Topacio, ang legal counsel ni Quiboloy, na kusang sumuko ang kanyang kliyente sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines at hindi naaresto ng PNP sa ilalim ng DILG.

Dahil dito itinuturing na “epal to the highest level” daw si Abalos lalo na sa pag-angkin nito ng kredito para sa umano’y hindi nangyaring pag-aresto.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Samantala, sinabi ni Topacio na patuloy nilang ipagtatanggol an mga karapatan ni Quiboloy alinsunod sa Konstitusyon at mga umiiral na batas habang naghahanda para sa kanyang depensa.