Makabayan Bloc, pinatututukan din sa gobyerno ang mga tumulong kay Apollo Quiboloy bago mahuli

Nanawagan ang Makabayan Bloc sa Kamara sa gobyerno na imbestigahan kung sinu-sino ang tumulong kay Apollo Quiboloy noong mga panahong nagtatago pa ito sa batas.

Ayon kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, dapat alamin kung may mga indibidwal lalo na ang mga may hawak na posisyon na pinrotektahan si Quiboloy mula sa pananagutan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

“Long overdue” na aniya ang pagkakahuli kay Quiboloy at ngayo’y dapat na nitong harapin ang mga kasong child abuse, sexual abuse at qualified trafficking upang makamit ang hustisya para sa mga biktima.

Iginiit din ni House Deputy Minority Leader France Castro na kailangang tutukan ang pagharap ni Quiboloy sa mga kaso laban sa kanya dito sa Pilipinas sa kabila ng mga kondisyon nito upang maiwasan ang extradition.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Punto ni Castro, mahalagang maging transparent ang proseso nang walang intervention o panghihimasok ng mga dayuhan.

Pinatitiyak naman ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na walang magiging special treatment kay Quiboloy lalo’t napuna nito ang nakangiting “selfie” nang kumpirmahin ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pagkakaaresto.