Korte Suprema, nakapagtala ng higit 10,000 examinees sa unang araw ng Bar Exams ngayong taon

Nakapagtala ang Korte Suprema ng 10,483 examinees sa unang araw ng 2024 Bar Examinations kahapon.

Ayon kay SC Associate Justice and Bar Chairperson Mario Lopez, 5,234 sa mga ito ay mga bagong aplikante, habang 4,060 ay mga previous takers, at 1,189 ang refreshers.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kasalukuyang may 13 testing centers ng Bar Exams sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mas mapalawak ang access nito sa mga examinees.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Asahan namang lalabas ang resulta ng Bar sa December 2024, habang ang panunumpa ay nakatakdang isagawa sa January 2025.