Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng rice inflation o galaw ng presyo ng bigas sa bansa.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba na sa 14.7% ang inflation noong Agosto mula sa 20.9% noong Hulyo.
Ayon naman kay DA Spokesperson Assiatant Secretary Arnel de Mesa, positibo na may development ito lalo’t nasa 25% ang ambag ng bigas sa Pilipinas.
Kaugnay nito, patuloy na tina-target ng pamahalaan na maibaba sa single-digit ang rice inflation.