Pumalo pa sa higit 2 milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng bagyong Enteng at habagat sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa National Disatser Risk Reduction and Management Council, katumbas ito ng 538, 602 families mula sa 1, 900 bgys sa Reghions 1, 2, 3 CALABARZON, Regions 5, 6 7, 8, CAR at NCR.
Mula sa nabanggit na bilang, nasa 36, 330 na mga indibwal ang nananatili pa sa mga evacuation centers.
Samanatala, iniulat din ng NDRRMC na umakyat pa sa 16 ang nasawi dahil sa sama ng panahon.
Walo rito ay mula sa CALABARZON, 3 sa Region 5, 2 sa Regions 7 at 8 at 1 sa Region 6.
Nilinaw ng NDRRMC, na ang bilang ay for validation pa.
Samantala, 17 naman ang naitalang nawawala habang 13 ang injured o nasaktan.