Dagdag na admin staff para mabawasan ang workload ng mga guro – inaaral na ni Sec. Angara

Planong dagdagan ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng mga adminstrative staff para mapagaan ang workload ng mga public school teachers.

Sa isang ambush interview, sinabi ni DepEd Sec. Sonny Angara na may kakulangan pa rin sa sektor pagdating sa administrative assistants kahit na nakapag-deploy na ito ng 5,000 non-teaching staff.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead
Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Sa kasalukuyan, hindi pa natutukoy ng DepEd ang bilang ng idaragdag na mga staff.

Nagsasagawa pa umano ito ng pag-aaral sa pagbabawas ng administrative workload ng mga guro.