Planong dagdagan ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng mga adminstrative staff para mapagaan ang workload ng mga public school teachers.
Sa isang ambush interview, sinabi ni DepEd Sec. Sonny Angara na may kakulangan pa rin sa sektor pagdating sa administrative assistants kahit na nakapag-deploy na ito ng 5,000 non-teaching staff.
Sa kasalukuyan, hindi pa natutukoy ng DepEd ang bilang ng idaragdag na mga staff.
Nagsasagawa pa umano ito ng pag-aaral sa pagbabawas ng administrative workload ng mga guro.