DSWD, patuloy na naka-stand by sa paghahatid ng tulong sa mga apektado ng oil spill

Patuloy na naka-stand by ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghahatid ng tulong sa mga apektado ng oil spill.

Sa katunayan, ayon kay DSWD Usec. Diana Rose Cajipe, naihatid na nila sa Limay, Bataan ang 5, 000 food packs para sa mga mangingisdang apektado.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Ongoing naman ang delivery nila ng 26,000 food packs sa Cavite partikular sa Bacoor City, mga munisipyo ng Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.

Nakipag-ugnayan na rin ang DSWD sa BFAR sa mga mangingisdang posibleng apektado ng oil spill kabilang ang sa lalawigan ng Bulacan.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Samantala, naka-stand by din ang DSWD sa pamamagi ng financial assistance pero ito’y sa pamamagitan ng cash for work program at AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation.