DA namahagi na ng fuel assistance sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bataan

Inatasan na ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mamahagi ng fuel assistance sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bataan.

Ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa, bawat mangingisda ay makakatanggap ng tig-tatlong libong pisong assistance para makapangisda sila ng medyo malayo mula sa lugar na may oil spill.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Maliban sa fuel assistance, nakipag pulong na rin ang DA sa Department of Social Welfare and Development para mabigyan rin ang mga apektadong mangingisda ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Pinag-aaralan na rin anya ng DA kung pwede rin silang mabigyan ng quick response fund ng ahensya.