Ika-anim na linggong price hike sa gasolina – namumuro

Dagdag-bawas ang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources – naglalaro sa P0.40 hanggang P0.60 ang posibleng itaas sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Posible namang mag-rollback mula P0.60 hanggang P0.80 sa kada litro ng diesel; habang P0.60 naman hanggang P0.80 rin ang maaaring itapyas sa kada litro ng kerosene.

‘Pag nagkataon – ito na ang ika-anim na linggong sunud-sunod na oil price hike sa gasolina.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa kabila nito, mayroon pang natitirang isang trading day.

Araw ng Lunes, ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, at magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.