Suspek na nakumpiskahan ng P9.6B halaga ng shabu sa Batangas, may military background

May military background ang suspek na nakumpiskahan ng P9.6 bilyong pisong halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas kamakailan.

Ito ang sinabi ni Police Regional Office 4A Regional dircetor PBGen. Paul Kenneth Lucas.

Ang suspek na tinukoy ni Lucas ang ay ang driver mismo ng naharang na van sacheckpoint na puno ng shabu.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Batay sa imbestigasyon, lumalabas na naging miyembro ito ng US army noong taong 1997, ngunit taong 2005 ay nilisan nito ang kaniyang pagiging sundalo sa Amerika, bumalik sa Pilipinas noong taong 2008, atsaka nagtayo ng isang fitness center sa bahagi ng Metro Manila.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dahil dito, iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang posibilidad ng pagkakasangkot o koneksyon ng naturang suspek sa mga sindikatong posibleng nasa likod ng nasabat na iligal na droga.