Ilang pedicab driver sa Naga City, pinapayagang kumayod ng walang matinong dokumento sa operators

NAGA CITY –Walang matinong papel o anumang dokumento ang ilan sa mga pedicab driver na kumakayod  sa Naga City o kahit ID man lang na puwedeng pagkakakilanlan sa kanila ng mga pasahero, ayon mismo sa CALIPODA President na si Danilo Volante na sumasakop sa pitong barangay ng lungsod.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security

Sa paliwanag niya sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang pinapayagan ng mga operators nila na kumayod ang mga ito dahil sa kilala naman nila ng personal ang mga pedicab driver, na ka-barangay din nila at walang trabaho, nakakaawa din anya.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

An tanging dokumento lang sana na hinihingi nila sa mga ito bago kumayod noong bago pa ang pademya ay police clearance at sedula na hindi naman kayang maibigay ng mga ito hanggang ngayon dahil sa kahirapan ng buhay.