Limang sakay ng Titanic submarine, patay na dahil sa implosion

Kinumpirma ng US Coast Guard na patay na ang limang sakay ng nawawalang submersible malapit sa Titanic wreck.

Ayon kay Rear Admiral John Mauger, matapos ang analysis sa debris na nakita sa seafloor – may indikasyong nakaranas ng ‘catastrophic implosion’ ang naturang submarine.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Matapos mawala ng apat na araw – inaasahang na-deplete na ang 4-day oxygen supply ng submersible.

Sakay ng naturang submersible ang British explorer na si Hamish Harding, French submarine expert na si Paul-Henri Nargeolet, Pakistani-British tycoon Shahzada Dawood at anak nitong si Suleman, at ang mismong CEO ng OceanGate Expeditions na si Stockton Rush.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Nagpaabot naman ng pakikiramay at pakikidalamhati ang OceanGate sa mga naulilang kaanak ng mga mga nasawi.