Natupad na ang pangarap ni Victor Wembanyama na makapaglaro sa NBA, matapos siyang maging No.1 sa NBA 2023 Draft pick.
Si Victor Wembanyama na 7-foot-5, 19-year-old French professional basketball player ay isa na sa mga kinokonsiderant draft prospects.

Ito ay makaraang maging MVP siya at dalhin ang Metropolitans 92 team sa finals ng LNB Pro A French League.
Naguna siya sa Top Professional Level sa France matapos makap-average ng 21.6 points, 10.4 rebounds 2.4 assists, at 3.0 blocks sa loob ng 32.3 minutes playing time.
Ang defensive prowess na taglay niya isang bagay na iilan lamang ang makikitaan sa NBA, at naniniwala ang mga executives na hindi magtatagal isa siya sa mga magiging pinakamahusay na manlalaro sa liga.
Sa panayam, naibahagi ni Wembanyama na dose-anyos pa lamang siya ay pinapangarap niya nang makapaglaro sa NBA.
Matatandaang ang huling draft pick ng koponang San Antonio Spurs ay noon pang 2003 at ang nakuha nilang basketball player ay si Le’Bron James, ngunit nitong Mayo ay nanalo sila sa NBA Draft Lottery kung kaya’t hindi na nagulat ang lahat kung sa kanilang koponan mapupunta si Wembanyama.//MCV