House Speaker, magdodonate ng $100K para sa mga biktima ng lindol sa Turkey

Nakatakdang magdonate ang House of Representatives ng $100,000 para sa mga biktima ng lindol sa Turkey, na ngayon ay tinawag na Türkiye.

Sa isang pahayag, sinabi ng opisina ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na ang pondo ay manggagaling sa Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng Speaker, na inilunsad noong ika-59 taong kaarawan nito noong Nov. 14 na nakalikom ng P70.92 million.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa ngayon, ang contributions sa naturang inisyatibo ng Speaker ay pumalo na sa P120 million, at ang isa sa mga benepisyaryo ay ang mga biktima ng sunog sa Navotas, mga apektado ng pagbaha sa Visayas at Mindanao, at mga biktima ng Typhoon Paeng.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Kaugnay nito, itu-turn over ni Romualdez ang mahigit $100,000 assistance kay Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol at asawa nitong si Inddri Puspitarasi ngayong araw. Sa gitna nito, kinilala ng naturang mambabatas ang tulong ng Turkiye sa Pilipinas matapos ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.