9 na lugar sa Region, nasa critical risk epidemic

Nakasailalim sa Critical Risk Epidemic Category ang siyam na bayan sa Region 2.

Ito ay ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH Region 2 nitong September 30, 2021.

Sa naturang datos, apat na lugar ang mula sa Isabela na kinabibilangan ng Mallig, Quirino, Divilacan at Delfin Albano.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Apat din sa Nueva Vizcaya na binubuo ng mga bayan ng Sta. Fe, Kayapa, Quezon at Dupax del Norte habang naitala rin ang Basco, sa lalawigan ng Batanes.

Paglilinaw pa ng DOH na ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Gayunman, ayon pa sa DOH hindi nangangahulugan na ang mga nabanggit na lugar ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City sa may pinakamataas na kaso sa buong rehiyon.