Sinimulan na ang pagbabakuna sa mga construction worker sa lalawigan ng Isabela.
Nasa 100 na mga construction workers ang nakilahok sa kickoff ng vaccination rollout sa City of Ilagan nitong October 1, 2021.
Ayon sa Department of Health Regional Field Office 2, ito ay bilang panimula sa intensyon na mabakunahan na ang mga kabilang sa Construction Industry sa probinsya.
Ito ay sa tulong ng Department of Labor and Employment katuwang ang DOH.

Target na mabakunahan sa lalawigan ang 5,000 construction workers.
Personal namang tinunghayan ang naturang kick-off ceremony nina Regional Director, Dr. Rio L. Magpantay, Assistant Regional Director, Dr. Faith Alberto, Ilagan City Mayor, Hon. Jose Marie L. Diaz at DOLE Secretary Silvestre Bello III.
Nagpasalamat din ang kagawaran ng kalusugan sa mga nakilahok na construction worker sa resbakuna.
Images: DOH Region 2