85-man response team, ipapadala ng PH sa Turkey upang magdala ng tulong sa mga biktima ng malakas na lindol

Magpapadala bukas ng 85-man response team ang Pilipinas sa Turkey upang magdala ng tulong sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa timog-silangan ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nakapag assemble na ang gobyerno ng response team na kinabibilangan ng mga engineers at health workers.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ang grupo ay binubuo ng mga tauhan mula sa Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Health (DOH), Philippine Army, Philippine Air Force, at Metro Manila Development Authority (MMDA), Bukod sa iba pa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga mahahalagang bagay na dadalhin ng mga ito say mga kumot at winter clothing na ipapamahagi sa mga displaced families.

Nauna nang humingi ng tulong sa Pilipinas ang Turkish Embassy sa Maynila sa pamamagitan ng pagpapadala ng emergency medical at urban search and rescue teams.//CA