Dahil sa magnitude 7.8 na lindol na tumama kamakailan sa Turkey at Syria, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na posibleng mangyari din ang malakas na lindol sa bansa.
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, maraming active faults ang bansa na may kakayahang magdulot ng magnitude 7.8 na lindol.

Batay sa instrumental records, ang 1990 Luzon 7.8 earthquake ang pinakamalakas na tumama sa Pilipinas.
Ayon sa website ng Phivolcs, ang Luzon earthquake ay nagdulot ng 125 km-long ground rupture na umabot mula Dingalan, Aurora hanggang Kayapa, Nueva Vizcaya.
Aniya, Mas handa na ang mga tao ngayon kumpara noong 20 taon na ang nakalipas adahil regular na nakikilahok ang publiko sa quarterly earthquake drills.
Ang paglahok aniya sa earthquake drills ay nakakatulong sa pagiging handa at pagbibigay ng kamalayan sa mga tao kung ano ang gagawin tuwing may lindol.//CA