Isinailalim ng Department of Health ang walong lungsod sa Metro Manila at 20 iba pang lugar sa iba’t-ibang rehiyon sa Alert Level 4, dahil sa mataas na bilang sa kaso ng COVID-19 at hospital occupancy rate.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ilalim ng Alert Level 4 nangangahulugan na ang mga lugar ay classified bilang moderate- to critical-risk at may healthcare utilization rate na 70% o mas mataas pa.
Dagdag ni Vergeire, ang mga lugar sa Metro Manila na nasa ilalim ng Alert Level 4 ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati, at San Juan.
Kaparehong lebel rin sa Cordillera region na kinabibilangan ng Apayao, Baguio City, Benguet at Regions 1 sa Ilocos Norte; Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino sa Region 2; Angeles City, Bataan, Olongapo City, Pampanga, Tarlac sa Region 3.
Alert level 4 rin sa 4A o ang Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City; Iloilo, Iloilo City sa 6; Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City sa 7; Tacloban city sa 8; Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin sa 10; Davao City sa 11, at General Santos City sa 12. // MHEL PACIA-TRINIDAD
