DOH – Lahat ng lungsod sa Metro Manila, may kaso na ng Delta variant

Mayroon nang kumpirmadong kaso ng covid-19 Delta variant ang 16 na lungsod at isang bayan sa National Capital Region.

Ito ang kinumpira ng Department of Health (DOH) kasunod ng naging presentasyon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa datos na inilabas ng DOH, ang mga lungsod na may mataas na bilang ng Delta variant ay ang Las Piñas City, Pasig City, Maynila at Malabon.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Mababatid na sa kasalukuyan ay umabot na sa 450 ang kabuuang bilang ng covid-19 delta variant sa bansa kung saan 18 local cases ang naitala sa NCR. // MHEL PACIA-TRINIDAD