8 DEO sa BARMM tumanggap ng construction equipment mula sa MPW

Tumanggap ng apat hanggang anim na unit ng Construction Equipment ang walong District Engineering Offices sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay matapos iturnover ng Ministry of Public Works and Highway (MPW-BARMM) ang 48 na kabuuang bilang ng mga heavy equipment para sa quick response ng lokal na pamahalaan lalo’t pagdating sa sakuna.

Sa panayam kay MPW Officer In Charge Danilo Ong sinabi nito na pangunahing layunin sa programa ay magkaroon ng kagamitan pagdating sa Infrastructural Development Project ang bawat distrito.

Abot sa 388,500,000 ang pondong inilaan ng ministeryo para sa pagresponde sa anumang sakuna na dumating sa mga mamamayan.

Bilang bahagi din ng paghahanda sa darating na panahon ng La Niña sa buong rehiyon. Ito rin ay mula sa buwis ng bayan kung saan binabalik lamang ng MPW sa pamamagitan ng mga proyekto.

Kabilang sa mga tumanggap ng Construction Equipment ang Engineering Offices ng Cotabato City, Lanao Del Sur I and II, Maguindanao, Basilan, Sulu I and II at Tawi-tawi.

Read More:  PDEA nabs alleged big-time pusher in Davao, seizes P420K worth of shabu
Read More:  Ormoc City council reshuffles power as new committee chairs take control of key sectors